Masdan, ako ay naghihintay ng tulong mula sa inyo; [i]1732[/i] at, maliban kung kikilos kayo sa hinaing namin, masdan, ako ay magtutungo sa inyo, maging sa lupain ng Zarahemla, at hahatawin kayo ng espada, hanggang sa kayo ay mawalan ng kapangyarihan na pigilin ang pag-unlad ng mga taong ito sa layunin ng ating kalayaan. Sapagkat masdan, hindi pahihintulutan ng Panginoon na mabuhay kayo at maging malakas sa inyong kasamaan upang lipulin ang kanyang mabubuting tao.