Masdan, inaakala ba ninyo na ililigtas kayo ng Panginoon at lalabas sa paghahatol laban sa mga Lamanita, samantalang ang kaugalian ng kanilang mga ama ang dahilan ng kanilang poot, oo, at ito ay pinatindi ng mga yaong tumiwalag mula sa atin, samantalang ang kasamaan ninyo ay para sa layunin ng inyong pagmamahal sa kapangyarihan at sa mga walang kabuluhang bagay ng daigdig?
Nalalaman ninyong nilalabag ninyo ang mga batas ng Diyos, at nalalaman ninyong niyuyurakan ninyo ang mga ito sa ilalim ng inyong mga paa. _
Kung yaong mga hinirang ninyo na maging inyong mga gobernador ay hindi magsisisi ng kanilang mga kasalanan at kasamaan, ikaw ay aahon upang makidigma laban sa kanila.