[Alma 61:1–21] Labanan ang kasamaan

Kaya nga, mahal kong kapatid, na Moroni, halina’t labanan natin ang kasamaan, at kung anumang kasamaan ang hindi natin malalabanan ng ating mga salita, oo, tulad ng mga paghihimagsik at pagtiwalag, labanan natin ito ng ating mga espada, upang mapanatili natin ang ating kalayaan, upang tayo ay magalak sa dakilang pribilehiyo ng ating simbahan, at sa layunin ng ating Manunubos at ating Diyos. [i]1734[/i] Kaya nga, mabilis kang magtungo sa akin, kasama ang ilan sa iyong mga tauhan, at iwanan ang nalalabi sa pamumuno nina Lehi at Tiankum; bigyan mo sila ng kapangyarihan na magpalakad sa digmaan sa bahaging iyan ng lupain, alinsunod sa Espiritu ng Diyos, na diwa rin ng kalayaan na nasa kanila.

From section: Si Pahoran at Moroni

From page: Si Moroni at Teancum sa Dayag Silangan

Commentary