Ipasasailalim natin ang ating sarili sa singkaw ng pagkaalipin kung ito ay hinihingi ng katarungan ng Diyos, o kung uutusan niya tayong gawin yaon. Subalit masdan, hindi niya tayo inuutusang ipailalim natin ang ating sarili sa ating mga kaaway, kundi ang ibigay natin ang ating tiwala sa kanya, at ililigtas niya tayo.