At ngayon, Moroni, ako ay nagagalak sa pagkakatanggap ng liham mo, sapagkat ako ay nababahala na hinggil sa kung ano ang aming gagawin, kung magiging makatarungan ba sa atin ang salakayin ang ating mga kapatid. Subalit sinabi mo, maliban kung magsisisi sila ay inuutusan ka ng Panginoon na sila ay salakayin mo. Tiyaking palakasin mo sina Lehi at Tiankum sa Panginoon; sabihin sa kanila na huwag silang matakot, sapagkat ililigtas sila ng Diyos, oo, at lahat din ng yaong di natitinag sa kalayaang yaon kung saan sila ginawang malaya ng Diyos. At ngayon tinatapos ko ang aking liham sa mahal kong kapatid, na si Moroni.