[Alma 59:13, 60:1–36] Pagdurusa at kamatayan

At ngayon masdan, sinasabi ko sa iyo na ako na rin, at gayon din ang mga tauhan ko, at gayon din si Helaman at ang kanyang mga tauhan, ay nagdanas ng labis na pagdurusa; oo, maging ng pagkagutom, pagkauhaw, at pagkapagod, at lahat ng uri ng paghihirap ng bawat uri. [i]1731[/i] Subalit masdan, kung ito lamang ang aming dinaranas ay hindi sana kami aangal ni daraing. Subalit masdan, labis ang pagkatay sa ating mga tao; oo, libu-libo na ang napabagsak sa pamamagitan ng espada, samantalang hindi sana nangyari ito kung kayo ay nagpadala sa aming mga hukbo ng sapat na lakas at tulong para sa kanila. Oo, labis ang naging kapabayaan ninyo sa amin.

From section: Si Pahoran at Moroni

From page: Si Moroni at Teancum sa Dayag Silangan

Commentary