[Alma 59:13, 60:1–36] Mapagpalang pagbati

Masdan, ipinahahatid ko ang aking liham kay Pahoran, sa lunsod ng Zarahemla, na siyang punong hukom at gobernador ng lupain, at gayon din sa lahat ng yaong pinili ng mga taong ito na mamahala at mangasiwa sa mga bagay-bagay ng digmaang ito. Sapagkat masdan, may sasabihin ako nang bahagya sa kanila sa paraang may panunumpa; sapagkat masdan, kayo na rin ang nakaaalam na kayo ay hinirang na mangalap ng mga tauhan, at sandatahan sila ng mga espada, at ng mga simitar, at lahat ng uri ng sandata ng digmaan ng bawat uri, at ipadala laban sa mga Lamanita, saan mang dako sila sumalakay sa ating mga lupain.

From section: Si Pahoran at Moroni

From page: Si Moroni at Teancum sa Dayag Silangan

Commentary