Subalit bakit pa ako mangungusap hinggil sa bagay na ito? Sapagkat hindi namin nalalaman kung kayo na rin ay naghahangad ng kapangyarihan. Hindi namin nalalaman kung kayo na rin ay mga taksil din sa inyong bayan. O pinabayaan ba ninyo kami dahil sa nasa gitna kayo ng ating bayan at kayo ay napaliligiran ng pananggalang, kung kaya’t hindi kayo nagpapadala ng pagkain sa amin, at gayon din ng mga tauhan upang palakasin ang aming mga hukbo?