At nang sabihin niya ang mga salitang ito, siya rin naman ay lumuhod din sa lupa; at masdan, siya ay nanalangin sa Ama, at ang mga bagay na kanyang idinalangin ay hindi maaaring isulat, at ang maraming tao ay nagpatotoo na mga nakarinig sa kanya. At sa ganitong pamamaraan sila nagpatotoo:
Kailanman ay hindi pa nakita ng mata,
ni narinig ng tainga,
ang gayong kadakila at mga kagila-gilalas na bagay
na aming nakita at narinig na winika ni Jesus sa Ama;At walang dilang maaaring bumigkas,
ni maaaring isulat ng sinumang tao,
ni maaaring maunawaan ng puso ng mga tao
ang gayong kadakila at mga kagila-gilalas na bagay
kagaya ng kapwa namin nakita at narinig na winika ni Jesus;At walang sinumang makauunawa sa kagalakang
pumuspos sa aming mga kaluluwa sa panahong
narinig namin siyang nanalangin sa Ama para sa amin.