3 Nephi 17:15–17

At nang sabihin niya ang mga salitang ito, siya rin naman ay lumuhod din sa lupa; at masdan, siya ay nanalangin sa Ama, at ang mga bagay na kanyang idinalangin ay hindi maaaring isulat, [i]3422[/i] at ang maraming tao ay nagpatotoo na mga nakarinig sa kanya. At sa ganitong pamamaraan sila nagpatotoo:

Kailanman ay hindi pa nakita ng mata,
_ni narinig ng tainga,
_ang gayong kadakila at mga kagila-gilalas na bagay
_na aming nakita at narinig na winika ni Jesus sa Ama; [i]1886[/i]

At walang dilang maaaring bumigkas,
_ni maaaring isulat ng sinumang tao,
_ni maaaring maunawaan ng puso ng mga tao
_ang gayong kadakila at mga kagila-gilalas na bagay
_kagaya ng kapwa namin nakita at narinig na winika ni Jesus;

At walang sinumang makauunawa sa kagalakang
_pumuspos sa aming mga kaluluwa sa panahong [i]1887[/i]
_narinig namin siyang nanalangin sa Ama para sa amin.

From section: Mga Basbas, Pagpapagaling, at Panalangin ni Hesus

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary