Ang Ministeryo ng Mesias

Kataklismo at Kalamidad

3 Nephi 8:1–4
Ang ilang mga tao ay magsisimulang umasa sa mga palatandaang iprinopesiya ni Samuel ang Lamanita, samantalang ang iba ay nagsisimulang magduda.
3 Nephi 8:5–7
Sa sumunod na taon, isang napakalakas na bagyo na may hindi matutularang lakas ang humampas sa lupain.
3 Nephi 8:8–11
Ang Zarahemla ay nag-apoy, ang lunsod ng Moroni ay lumubog sa karagatan, at ang lunsod ng Moronihas ay winasak ng malaking pag-angat ng lupa.
3 Nephi 8:12–13
Ang lupain sa hilaga ay marahas na nawasak at lubhang nawala sa anyo.
3 Nephi 8:14–15
Maraming mga lunsod ang nasunog o pinayanig hanggang sa lubusang mawasak—ang bilang ng mga nasawi ay kakila-kilabot.
3 Nephi 8:16
Ang ilang mga tao ay natangay ng mga buhawi, at dinala palayo, at hindi na muling narinig pa ang tungkol sa kanila.
3 Nephi 8:17–18
Ang mga bato ay nahati at nagkalat-kalat, at ang buong lupain ay lubhang nabago.
3 Nephi 8:19
Ang malalakas na bagyo ay tumagal ng mga tatlong oras; nang ito ay tumila, walang anumang makikita kundi kadiliman.
3 Nephi 8:20
Ang kadiliman ay bumalot sa mga nakaligtas.
3 Nephi 8:21–22
Lahat ng pagtatangka na magsindi ng anumang uri ng apoy sa gitna ng kadiliman ay nabigo.
3 Nephi 8:23–25
Ang kadiliman ay tumagal ng tatlong araw habang ang mga nakaligtas na mga tao ay nagdadalamhati sa kanilang sinapit, at hinangad na sana ay nagsisi sila.
3 Nephi 23:11; Helaman 14:25
Many deceased saints rise from the grave and appear unto many survivors.

Ang Tinig ni Kristo

3 Nephi 9:1–22
Isang tinig ang narinig sa buong lupain; ang tinig ay ipinakikilala ang kanyang sarili bilang si Jesukristo, at inihayag na ang pagkawasak ng lupain ay sanhi ng kanilang kasamaan, ipinaliwanag na ang batas ni Moises ay naisakatuparan na, at inanyayahan ang lahat na lumapit sa kanya.
3 Nephi 10:1–2
Matapos marinig ang salita, maraming oras ang lumipas sa katahimikan.
3 Nephi 10:3–7
Ang tinig ni Cristo ay narinig muli, at nalulungkot sa katotohanan na ang Israel ay hindi matitipon sa kanya.
3 Nephi 10:8
Ang mga tao ay tumangis at nagdalamhati para sa kanilang mga namatay.
3 Nephi 10:9
Pagkatapos ng tatlong araw na kadiliman, ang liwanag ay nakitang muli, at ang kakila-kilabot na pagkawasak ay tumigil.
3 Nephi 10:10
Ang pagdadalamhati ng mga tao ay naging kaligayahan nang sila'y magsimulang sumamba kay Jesus.
3 Nephi 10:11–13
Sila na mga hindi nasawi ay ang mas mabubuting bahagi ng mga tao.

Ang Pagdating ni Hesus

3 Nephi 11:1–2
Ang malaking pangkat ng mga Nephita ay nagtipon malapit sa templo ng Masagana, nag-uusap tungkol kay Jesukristo at namamangha sa mga nabagong kalupaan.
3 Nephi 11:3
Bilang sila ay nakarinig ng isa pang tinig mula sa langit, at kahit inantig nito ang kanilang mga puso at mga kaluluwa, hindi nila ito maunawaan.
3 Nephi 11:4
Ang tinig ay muling narinig sa ikalawang pagkakataon, subalit muli ay hindi nila ito maunawaan.
3 Nephi 11:5–7
Narinig nila ang tinig muli sa ikatlong pagkakataon, at sa oras na ito nakilala nila na ito ay tinig ng Diyos Ama, inihahayag ang kanyang anak na si Jesukristo.
3 Nephi 11:8
At sila ay nakinig sa tinig ng Diyos, at nakita nila ang isang lalaki sa isang puting bata na pumapanaog mula sa Langit at bumaba at tumindig sa kanila.
3 Nephi 11:9–11
Ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang ang iprinopesiyang Jesukristo, na ibibigay ang kanyang sarili bilang hain para sa sangkatauhan.
3 Nephi 11:12
Ang mga tao ay nangalugmog sa lupa nang maalala nila ang mga propesiya sa pagparito ni Cristo sa lupang pangako.
3 Nephi 11:13–14
Inanyayahan ni Jesus ang mga tao na tumindig, at hiniling sa kanila na salatin ang mga bakas ng pako sa kanyang mga kamay at paa.
3 Nephi 11:15
Ang mga tao ay nagsibangon, sinalubong at dinama si Jesus, at nalaman sa kanilang sarili ang kanyang pagiging Diyos.
3 Nephi 11:16–17
Pinuri nila ang Diyos at sinamba si Jesus.

Ang Kapangyarihan para Magbinyag

3 Nephi 11:18
Tinawag ni Jesus si Nephi at hiniling sa kanya na lumapit.
3 Nephi 11:19–20
Si Nephi ay lumapit, hinalikan ang mga paa ni Jesus, at tumayo.
3 Nephi 11:21–22, 12:1, 19:4
Si Jesus ay pumili ng labing dalawang disipulo, kabilang si Nephi, at nagbigay sa kanila ng awtoridad na magbinyag.
3 Nephi 11:22–41
Si Jesus ay nagbigay ng detalyadong tagubilin kung paano magbibinyag, pagkatapos ay binanghay niya ang mga pangunahing doktrina ng pananampalataya, pagsisisi, at pagkikiisa sa Diyos.

Mga Aral ni Hesus

3 Nephi 12:1 – 13:24
Nang maatasan ang labing-dalawa, si Jesus ay bumaling sa mga tao, at binanggit sa kanila ang iniakmang salin ng Sermon sa Bundok.
3 Nephi 13:25–34
Si Jesus ay bumaling sa labindalawa, at pinaalalahanan sila na magtiwala sa pangangalaga ng Diyos.
3 Nephi 14:1–27
Si Jesus ay muling bumaling sa mga tao, at nagpatuloy sa kanyang sermon.
3 Nephi 15:1
Si Jesus ay nagpaliwanag na itinuturo niya ang parehong mga bagay na itinuro niya sa mga tao ng Israel bago siya namatay at nabuhay na mag-uli.
3 Nephi 15:2–15:10
Tumutugon sa kalituhan ng mga tao hinggil sa batas ni Moises, ipinaliwanag ni Jesus na siya ang bagong batas, na ang batas ni Moises ay lumipas na, at lahat ay kinakailangang tumingin sa kanya para sa kaligtasan.
3 Nephi 15:11–16:20
Si Jesus ay bumaling sa kanyang mga disipulo at nagturo sa kanila tungkol sa sambahayan ni Israel, "ibang tupa," apostasiya sa huling araw, at ang kabuuan ng ebanghelyo.

Mga Basbas, Pagpapagaling, at Panalangin ni Hesus

3 Nephi 17:1–4
Si Jesus ay bumaling muli sa mga tao at sinabi sa kanila na umuwi at pagbulay-bulayin ang kanyang mga salita—samantalang siya ay babalik sa langit at dadalawin ang iba pang mga nawawalang lipi ni Israel, subalit magbabalik sa susunod na araw.
3 Nephi 17:5–8
Seeing that the crowd’s disappointment overing hearing Jesus’ announcement of departure, Jesus mercifully offers to heal their sick and afflicted.
3 Nephi 17:9–10
Nakikita ang panghihinayang ng mga tao sa pagkarinig ng pahayag ni Jesus hinggil sa kanyang pag-alis, buong awang sinabi ni Jesus na kanyang pagagalingin ang kanilang mga may sakit at nahihirapan.
3 Nephi 17:11–12
Ang mga may sakit, hindi makalakad, bulag, at lahat ng mga nahihirapan ay lumapit, at sila ay pinagaling ni Jesus habang sinasamba nila siya.
3 Nephi 17:13
Tinawag ni Jesus ang mga maliliit na bata para lumapit.
3 Nephi 17:14
Matapos ang lahat ng mga maliliit na bata ay makalapit, hiniling ni Jesus sa bawat isa na lumuhod.
3 Nephi 17:15–17
Si Jesus ay nagsimulang manalangin, at nagpahayag ng kanyang pag-aalala sa kasamaan ng mga tao.
3 Nephi 17:18–20
Si Jesus ay nanalangin ng mga kagila-gilalas na bagay na hindi maaaring maisulat.
3 Nephi 17:20–23
Tinapos ni Jesus ang kanyang panalangin, siya ay tumindig, at nakikita na ang mga tao ay ganap na nadaig, hiniling niya sa kanila na sila ay tumayo, sinasabi sa kanila na ang kanyang kagalakan ay lubos.
3 Nephi 17:24–25
Si Jesus ay tumangis, pagkatapos ay kinuha ang mga maliliit na bata isa isa at binasbasan sila, sinasabi sa mga tao na masdan ang kanilang mga musmos.

Ang Pagpapakilala sa Banal na Komunyon

3 Nephi 18:1–4
Ang mga tao ay tumingin sa itaas, ang langit ay bumukas, at ang mga anghel ay bumaba at pumalibot sa mga maliliit na bata.
3 Nephi 18:5–7
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo na kumuha ng tinapay at alak para sa mga tao; nang sila ay bumalik na may tinapay at alak, pinira-piraso niya ang tinapay, at binasbasan ito, at pinapangyaring kainin nila ito, at sinabi sa kanilang ipakain ito sa mga tao.
3 Nephi 18:8–9
Ipinaliwanag ni Jesus na ang tinapay at alak ay kinakailangang maiabot sa mga tao ng kanyang simbahan bilang pag-alala sa kanyang katawan.
3 Nephi 18:10–16
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo na kumuha ng alak at inumin ito, pagkatapos ay hayaang ang mga tao ay uminom rin.
3 Nephi 18:17–25
Nagsalita si Jesus sa mga tao, at tinuruan silang umiwas sa tukso sa pamamagitan ng panalangin, pagsamba ng sama-sama, at paglapit sa kanya.
3 Nephi 18:26–35
Si Jesus ay bumaling muli sa mga disipulo, at binilinan sila kung paano tamang mapangangasiwaan ang tinapay at ang alak.

Ang Paglisan ni Hesus

3 Nephi 18:36–37
Hinipo ni Jesus ang bawat isa sa kanyang mga disipulo at binigyan sila ng kapangyarihan na magkaloob ng Espiritu Santo.
3 Nephi 18:38–39
Isang ulap ang pumalibot kay Jesus at sa mga disipulo, at si Jesus ay nadala sa langit.
3 Nephi 19:1–2
Matapos umalis ni Jesus, ang mga tao ay nahiwa-hiwalay, at sinasabihan ang bawat isa tungkol kay Jesus, at na siya ay magbabalik sa susunod na araw.
3 Nephi 19:3
Isang malaking bilang ng mga tao ang naglakbay patungo sa Masagana upang makita si Jesus na bumalik muli.

Ang Pangangasiwang Pansimbahan ng mga Disipulo

3 Nephi 19:4
Sa sumunod na araw, ang mga tao ay nagtipun-tipon, at ang labing-dalawang disipulo ay tumindig sa kanila.
3 Nephi 19:5–6
Ang mga tao ay lubos na marami kaya hinati ito sa 12 na grupo; bawat isa sa mga disipulo ay nagturo sa mga grupo kung paano manalangin sa pangalan ni Jesus.
3 Nephi 19:7–9
Matapos manalangin, ang mga disipulo ay nagbigay ng walang bawas na ulat ng mga pagtuturo ni Jesus, at sila ay nanalangin kung ano ang mas ninanais nila: ang Espiritu Santo.
3 Nephi 19:10–11
Matapos manalangin, ang mga tao ay lumipat pababa sa mga gilid ng tubig kung saan bininyagan sila ni Nephi.
3 Nephi 19:12
Si Nephi sa ngayon ay nagsimulang magbinyag sa mga yaong pinili ni Jesus.
3 Nephi 19:13
Pagkatapos ng kanilang pagbibinyag, ang Espiritu Santo ay bumaba sa kanila, at pinuspos sila.
3 Nephi 19:14
Nakita ng mga tao ang Espiritu Santo na bumababa mula sa langit tulad ng isang apoy, pagkatapos ang mga anghel ay bumaba mula sa langit.

Ang Pagbalik ni Hesus at Mga Panalangin

3 Nephi 19:15
Si Jesus ay bumalik, at tumindig kasama ang mga anghel at mga tao.
3 Nephi 19:16
Sinabi ni Jesus sa bawat isa na lumuhod.
3 Nephi 19:17–18
Inutusan ni Jesus ang mga disipulo na manalangin; sila ay nagsimulang manalangin sa kanya.
3 Nephi 19:19–23
Si Jesus ay lumayo, at nagsimulang manalangin ng sarili, pinasasalamatan ang kanyang Ama sa pagkakaloob ng Banal na Espiritu sa mga tao at humihiling ng karagdagang lakas ng pananampalataya sa kanila.
3 Nephi 19:24
Si Jesus ay bumalik sa kanyang mga disipulo, na nananalangin parin sa kanya.
3 Nephi 19:25
Binasbasan ni Jesus ang kanyang mga disipulo at ngumiti sa kanila.
3 Nephi 19:26
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo na magpatuloy sa panalangin.
3 Nephi 19:27–29
Si Jesus ay lumayong muli upang manalangin sa ikalawang pagkakataon; humiling siya na ang kanyang mga disipulo ay mapadalisay, at maging isa sa kanya.
3 Nephi 19:30–32
Si Jesus ay bumalik sa kanyang mga disipulo, ngumiti nang makita na sila parin ay nananalangin, at muli ay lumayo upang manalangin sa kanyang Ama sa ikatlong pagkakataon.
3 Nephi 19:33–34
Ang panalangin ni Jesus ay dakila at kagila-gilalas kaya hindi sila maaaring ulitin at maisulat.
3 Nephi 19:35–36
Si Jesus ay natapos sa panalangin, at pinuri ang kanyang mga tagasunod para sa kanilang malaking pananampalataya.

Ang Mga Pangangasiwa sa Sakramento

3 Nephi 20:1
Si Jesus ay nagpahiwatig na tapusin ang panalangin, subalit hinikayat silang manalangin sa kanilang mga puso.
3 Nephi 20:2
Inutusan ni Jesus ang mga tao na tumayo.
3 Nephi 20:3
Pinagpira-piraso ni Jesus at binasbasan ang tinapay, at ibinigay sa kanyang mga disipulo.
3 Nephi 20:4
Pagkatapos ay inutusan niya sila na ibigay ang tinapay sa mga tao.
3 Nephi 20:5
Pagkatapos ng tinapay, ang parehong proseso ay sinundan sa alak.
3 Nephi 20:6–7
Wala nang natirang tinapay at alak kamakailan lang, si Jesus ay mahimalang naglaan nito.
3 Nephi 20:8
Ipinaliwanag ni Jesus ang sinisimbolo ng tinapay at tubig at nangangako ng pagpapakain sa kaluluwa.

Ang mga Turo ni Hesus Patungkol sa mga Banal na Kasulatan

3 Nephi 20:9
Nang matapos tanggapin ang tinapay at alak, niluwalhati ng mga tao si Jesus.
3 Nephi 23:6
Ipinaliwanag naman ni Jesus ang ilang mga banal na kasulatan, at inihayag ang kanyang pagnanais na sila ay magkaroon ng marami pang mga banal na kasulatan.
3 Nephi 23:7
Hiniling ni Jesus kay Nephi na dalhin ang mga talaan na kanilang iniingatan.
3 Nephi 23:8–9
Si Jesus ay tumingin sa mga talaan, at muling binalikan ang mga bagay na binanggit ni Samuel tungkol sa mga patay na nagpakita sa marami.
3 Nephi 23:10
Ang mga disipulo ay sumang-ayon na si Samuel ay tunay na nagpropesiya sa mga yaon, at ito ay tunay na nangyari.
3 Nephi 23:11
Si Jesus ay nagtanong kung bakit hindi naisulat ang mahalagang propesiya na yaon at ang katuparan nito.
3 Nephi 23:12
Naalala ni Nephi na ang mga talaan ay hindi naglalaman ng kung ano tungkol doon.
3 Nephi 23:13
Binilinan sila ni Jesus na gumawa ng ulat tungkol doon.
3 Nephi 23:14
Si Jesus ay nagpatuloy sa pagtuturo mula sa mga banal na kasulatan.
3 Nephi 24:1
Sinabihan ni Jesus ang mga tagapangalaga ng talaan kung ano ang mga sinabi niya sa propetang Malachi, at sila ay gumawa ng mga tala ukol dito.
3 Nephi 24:1 – 25:6
Nagpaliwanag si Jesus sa mga salitang kanyang ibinigay kay Malachi tungkol sa mga paghahanda para sa Mesiyas, ikapu at mga handog, at ang misyon ni Elijah.
3 Nephi 26:1
Si Jesus ay nagturo ng higit pa mula sa mga banal na kasulatan.
3 Nephi 26:2
Ipinaliwanag ni Jesus na ninanais ng Diyos na ang mga tao ay magkaroon ng mga salita sa banal na kasulatan, na ipinagkaloob lamang sa mga yaon na nasa Israel.
3 Nephi 26:3–5
Sinabi ni Jesus sa mga tao ang mga palatandaan ng mga panahon, ang ikalawang pagparito, at ang huling paghuhukom.
3 Nephi 26:15
Kung ang mga tao ay matapat na tatanggap kung ano ang ibinigay, marami pa ang idadagdag sa huli.

Ang Pagtatatag at Paglago ng Simbahan

3 Nephi 26:13–14
Sa kasamaang-palad, tanging iilan lamang sa mga ministeryo ni Jesus ang maaaring maisulat sa mga talaang ito.
3 Nephi 26:16
Ang mga disipulo ni Jesus ay nagpatuloy sa pagbibinyag sa mga naniniwala.
3 Nephi 26:6–8
Matapos magsagawa ng maraming mga himala, si Jesus ay muling umakyat sa langit.
3 Nephi 26:9–12
Si Jesus ay nakasama ng mga tao sa loob ng tatlong araw, na kung saan ay nagputol-putol at nagbasbas siya ng mga tinapay, at maraming himala ang nangyari.
3 Nephi 26:17
Ang simbahan ay lumago, at mga kamangha-manghang mga himala ay nasaksihan ng marami.
3 Nephi 26:18–21
Isang araw, ang mga disipulo ay nagtipon-tipong magkakasama upang manalangin at mag-ayuno.

Ang Pribadong Pakikipagkita ni Hesus sa Kanyang mga Disipulo

3 Nephi 27:1
Si Jesus ay nagpakita sa kanila, at tinanong sila kung ano ang ninanais nila sa kanya.
3 Nephi 27:2
Ang mga disipulo ay nagtanong kung ano ang ipapangalan sa simbahan.
3 Nephi 27:3
Ipinaliwanag ni Jesus na ang simbahan ay kinakailangang dalhin ang kanyang pangalan, nakatayo sa kanyang ebanghelyo, maging katulad niya, at nagbabala sa natataong panghihinang espirituwal ng kabihasnan.
3 Nephi 27:4–32
Tinanong ni Jesus ang mga disipulo na ano ang ninanais nila matapos si Jesus ay umalis?
3 Nephi 27:33
Idinagdag ni Jesus na ang kanyang mga tao ay kinakailangang pumasok sa makitid na landas na patungo sa buhay.
3 Nephi 28:1
Siyam sa labindalawa ay nagpahayag ng kanilang pagnanais na mamuhay ng mabuti, at pagkatapos ay agarang makapasok sa kaharian ng Diyos kapag sila ay mamatay.
3 Nephi 28:2
Pinuri sila ni Jesus sa kanilang pagnanais, at nagsabi na ang kanilang mga kahilingan ay ipagkakaloob.
3 Nephi 28:3
Pagkatapos ay bumaling siya sa mga nalalabing mga disipulo, at tinanong sila kung ano ang kanilang nais?
3 Nephi 28:4
Ang tatlong disipulo ay lubos na nahihiyang sumagot.
3 Nephi 28:5
Hinipo ni Jesus ang siyam na iba pang mga disipulo isa isa, at pagkatapos ay umakyat sa langit.
3 Nephi 28:6–11
Nabasa ni Jesus ang kanilang isipan, at nalalaman na ninanais nilang manatiling buhay hanggang sa ikalawang pagparito; ipinagkaloob ni Jesus ang kanilang kahilingan, at sinabi na sila ay maglilingkod sa buong mundo hanggang sa siya ay dumating na muli, hindi makararamdam ng sakit maliban sa kalungkutan sa mga kasamaan ng mundo.
3 Nephi 28:12
Ang mga disipulo ay sandaling kinuha sa langit, na kung saan sila ay nakakita at nakarinig ng mga kagila-gilalas na mga bagay.

Ang Ministeryo ng mga Disipulo

3 Nephi 28:13
Ang mga disipulo ay pinagbawalang isulat ang kanilang mga karanasan.
3 Nephi 28:14
Hindi magawang matukoy ng mga disipulo kung ang kanilang pagbisita sa langit ay literal at pisikal, o kung ito ba ay espirituwal na pangitain, o sa panglabas-na-katawang karanasan.
3 Nephi 28:15
Ang mga disipulo ay naglingkod sa mga tao.
3 Nephi 28:16
Ang mga disipulo ay nangaral, nagbinyag, at nagkaloob ng Espiritu Santo sa mga tao, subalit ang pisikal na kalagayan ng tatlong mga disipulo ay hindi matukoy.
3 Nephi 28:17–18
Ang mga hindi naniniwala ay walang saysay na nagtangkang ibilanggo at ipatapon ang mga disipulo, subalit ang mga disipulo ay hindi mapigilan: winawasak nila ang mga bilangguan, at pinawawalang-saysay ang mga bitag.
3 Nephi 28:19–20
Sila ay nakaligtas nang ihagis sa isang nagniningas na hurno at lungga ng mga mababangis na hayup.
3 Nephi 28:21–22
Ginawa ng mga disipulo lahat ng kanilang makakaya upang ituro ang ibanghelyo sa mga tao, at dalhin ang mga tagasunod ni Jesus sa pagkakaisa.
3 Nephi 28:23
Nang sumunod na araw, ang mga maliliit na bata ay nagsalita ng mga kagila-gilalas na mga bagay, lubos na dakila kaya walang sinuman ang maaaring makapagtala sa mga ito.