At sila ay itinapon sa bilangguan nila na hindi kabilang sa simbahan. At ang mga bilangguan ay hindi makapigil sa kanila, sapagkat ang mga yaon ay nahati sa dalawa. At inihulog sila sa lupa; ngunit kanilang tinigatig ang lupa ng salita ng Diyos, kung kaya’t sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan sila ay nakalaya sa kailaliman ng lupa; at dahil dito sila ay hindi makahukay ng mga balon na sapat upang pumigil sa kanila. [i]1934[/i]