At muli siyang tumalikod sa kanila, at lumayo nang kaunti at iniyukod niya ang sarili sa lupa; at muling nanalangin sa Ama, [i]1913[/i] sinasabing:
Ama, nagpapasalamat ako sa inyo na inyong dinalisay yaong aking mga pinili, dahil sa kanilang pananampalataya, at nananalangin ako para sa kanila, at gayon din sa kanila na maniniwala sa kanilang mga salita, upang sila ay maging dalisay sa akin, sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanilang mga salita, kagaya ng pagiging dalisay nila sa akin.
Ama, ako ay nananalangin hindi para sa sanlibutan, kundi para sa mga yaong ibinigay ninyo sa akin mula sa sanlibutan, dahil sa kanilang pananampalataya, upang sila ay maging dalisay sa akin, upang ako ay mapasakanila kagaya ninyo, Ama, na nasa akin, upang tayo ay maging isa, upang ako ay luwalhatiin sa kanila.