Ang Ministeryo ng Mesias

Ang Pagtatatag at Paglago ng Simbahan

3 Nephi 26:13–14

Sa kasamaang-palad, tanging iilan lamang sa mga ministeryo ni Jesus ang maaaring maisulat sa mga talaang ito.

Kaya nga, nais kong inyong mamasdan na tunay na tinuruan ng Panginoon ang mga tao, sa loob ng tatlong araw; at pagkatapos niyon ay ipinakita niya ang kanyang sarili sa kanila nang madalas, at madalas na magputul-putol ng tinapay, at binabasbasan ito, at ibinibigay ito sa kanila. At ito ay nangyari na, na siya ay nagturo at naglingkod sa mga anak ng maraming tao na nabanggit, at kanyang kinalagan ang kanilang mga dila, at sila ay nangusap sa kanilang mga ama ng mga dakila at kagila-gilalas na bagay, maging higit na dakila kaysa roon sa kanyang inihayag sa mga tao; at kanyang kinalagan ang kanilang mga dila nang sila ay makapangusap.

3 Nephi 26:16

Ang mga disipulo ni Jesus ay nagpatuloy sa pagbibinyag sa mga naniniwala.

Masdan, ito ay nangyari na, na kinabukasan ang maraming tao ay nagtipun-tipong magkakasama, at kapwa nila nakita at narinig ang mga batang ito; oo, maging ang mga sanggol ay nagbukas ng kanilang mga bibig at nangusap ng mga kagila-gilalas na bagay; at ang mga bagay na kanilang winika ay ipinagbawal na isulat ng sinumang tao.

3 Nephi 26:6–8

Matapos magsagawa ng maraming mga himala, si Jesus ay muling umakyat sa langit.

At ngayon hindi maaaring isulat sa aklat na ito maging ang ika-isandaang bahagi ng mga bagay na tunay na itinuro ni Jesus sa mga tao; Ngunit masdan, ang mga lamina ni Nephi ay naglalaman ng malaking bahagi ng mga bagay na kanyang itinuro sa mga tao. At ang mga bagay na ito ay isinulat ko, na isang maliit na bahagi ng mga bagay na kanyang itinuro sa mga tao; at isinulat ko ang mga iyon sa layuning yaon ay muling madala sa mga taong ito, mula sa mga Gentil, alinsunod sa mga salitang winika ni Jesus.

3 Nephi 26:9–12

Si Jesus ay nakasama ng mga tao sa loob ng tatlong araw, na kung saan ay nagputol-putol at nagbasbas siya ng mga tinapay, at maraming himala ang nangyari.

At kapag kanilang matanggap ito, na kapaki-pakinabang munang mapasakanila, upang subukin ang kanilang pananampalataya, at kung mangyayari na sila ay maniniwala sa mga bagay na ito, sa gayon, ang mga bagay na higit na dakila ay ipaaalam sa kanila. At kung mangyayari na sila ay hindi maniniwala sa mga bagay na ito, sa gayon, ang mga bagay na higit na dakila ay ipagkakait sa kanila, tungo sa kanilang ikasusumpa.

Masdan, isusulat ko na sana ang mga yaon, lahat ng nakaukit sa mga lamina ni Nephi, ngunit ipinagbawal ito ng Panginoon, sinasabing:

Susubukin ko ang pananampalataya ng aking mga tao.

Kaya nga, ako, si Mormon ay isinusulat ang mga bagay na iniutos sa akin ng Panginoon. At ngayon ako, si Mormon, ay nagtatapos sa aking mga pananalita, at magpapatuloy sa pagsulat sa mga bagay na iniutos sa akin.

3 Nephi 26:17

Ang simbahan ay lumago, at mga kamangha-manghang mga himala ay nasaksihan ng marami.

At ito ay nangyari na, na ang mga disipulong pinili ni Jesus ay nagsimula buhat sa panahong yaon na magbinyag at magturo sa kasindami ng lumapit sa kanila; at kasindami ng nagpabinyag sa pangalan ni Jesus ay napuspos ng Espiritu Santo.

3 Nephi 26:18–21

Isang araw, ang mga disipulo ay nagtipon-tipong magkakasama upang manalangin at mag-ayuno.

At marami sa kanila ang nakakita at nakarinig ng mga bagay na hindi masasambit, na hindi pinahihintulutang isulat. At sila ay nagturo, at naglingkod sa isa’t isa; at may pagkakapantay-pantay sila sa lahat ng bagay sa kanila, bawat tao ay nakikitungo nang makatarungan sa isa’t isa. At ito ay nangyari na, na isinagawa nila ang lahat ng bagay maging katulad ng iniutos ni Jesus sa kanila. At sila na nabinyagan sa pangalan ni Jesus ay tinawag na simbahan ni Cristo.