At ito ay nangyari na, na si Jesus ay umalis sa gitna nila, at lumayo nang kaunti sa kanila [i]1198[/i] at iniyukod niya ang sarili sa lupa, [i]1910[/i] at kanyang sinabi:
Ama, nagpapasalamat ako sa inyo na inyong ipinagkaloob ang Espiritu Santo sa mga ito na aking pinili; at ito ay dahil sa kanilang paniniwala sa akin kung kaya’t pinili ko sila mula sa sanlibutan.
Ama, idinadalangin ko sa inyo na ipagkaloob ninyo ang Espiritu Santo sa kanilang lahat na maniniwala sa kanilang mga salita. [i]1911[/i]
Ama, ipinagkaloob ninyo sa kanila ang Espiritu Santo sapagkat sila ay naniniwala sa akin; at inyong nakikita na sila ay naniniwala sa akin sapagkat inyong naririnig sila, at sila ay nananalangin sa akin; at sila ay nananalangin sa akin sapagkat ako ay kasama nila.
At ngayon Ama, ako ay nananalangin sa inyo para sa kanila, [i]3438[/i] at gayon din para sa lahat ng yaong maniniwala sa kanilang mga salita, upang sila ay maniwala sa akin, at nang ako ay mapasakanila kagaya ninyo, Ama, na nasa akin, upang tayo ay maging isa.