At ito ay nangyari na, na habang sila ay nasa gayong pakikipag-usap sa isa’t isa, [i]3020[/i] sila ay nakarinig ng tinig na parang nanggagaling sa langit; [i]1869[/i] at iginala nila ang kanilang mga paningin sa paligid, [i]3400[/i] sapagkat hindi nila naunawaan ang tinig na kanilang narinig; at iyon ay hindi garalgal na tinig, ni hindi ito malakas na tinig; gayunpaman, at sa kabila ng ito ay isang maliit na tinig, iyon ay tumimo sa kanila na nakaririnig hanggang sa kaibuturan, kung kaya’t walang bahagi ng kanilang katawan ang hindi nagawang panginigin nito; oo, iyon ay tumimo sa kanilang pinaka-kaluluwa, at nagpaalab sa kanilang mga puso.