At ito ay nangyari na, nang siya ay makapagsalita nang gayon, lahat ng tao, ay magkakaayong humayo kasama ang kanilang maykaramdaman at mga nahihirapan, at kanilang mga lumpo, at kasama ang kanilang mga bulag, at kasama ang kanilang mga pipi, at ang lahat sa kanila na nahihirapan sa anumang dahilan; at pinagaling niya ang bawat isa sa kanila [i]1884[/i] na dinala sa kanya. At lahat sila, kapwa sila na mga napagaling at sila na mga walang sakit, ay yumukod sa kanyang paanan, at sinamba siya; [i]3420[/i] at kasindami ng nakalapit sa maraming tao ay humalik sa kanyang mga paa, kung kaya nga’t napaliguan nila ng kanilang mga luha ang kanyang mga paa.