At ngayon ito ay nangyari na, na sang-ayon sa aming talaan, at alam namin na ang aming talaan ay totoo, sapagkat masdan, isang matwid na tao ang nag-ingat ng talaan—sapagkat tunay na siya ay gumawa ng maraming himala sa pangalan ni Jesus; at walang sinumang tao ang makagagawa ng himala sa pangalan ni Jesus maliban kung siya ay malinis sa bawat kaliit-liitang kasamaan niya—
At ngayon ito ay nangyari na, na kung walang nagawang pagkakamali ang taong ito sa pagbilang ng aming panahon, ang ikatatlumpu at tatlong taon ay nakalipas na; [i]1850[/i] At ang mga tao ay nagsimulang umasa nang buong taimtim [i]1851[/i] sa mga palatandaang ibinigay ng propetang si Samuel, ang Lamanita, oo, sa panahong magkakaroon ng kadiliman sa loob ng tatlong araw sa ibabaw ng lupain. At nagsimulang magkaroon ng malaking pag-aalinlangan at pagtatalo sa mga tao, [i]1852[/i] [i]3001[/i] sa kabila ng maraming palatandaang naibigay na. [i]3384[/i]