At ito ay nangyari na, na sa ikatatlumpu at apat na taon, sa unang buwan, sa ikaapat na araw ng buwan, ay nagkaroon ng isang malakas na bagyo, na hindi pa kailanman naranasan sa buong lupain. At nagkaroon din ng isang malakas at kakila-kilabot na unos; [i]1853[/i] at nagkaroon ng kakila-kilabot na kulog, [i]3003[/i] kung kaya nga’t niyanig nito ang buong lupa na parang ito ay mabibiyak. At nagkaroon ng lubhang matatalim na kidlat, [i]3385[/i] na hindi pa kailanman nakita sa buong lupain. [i]1854[/i]