At nang sila ay tumingin upang pagmasdan ay itinuon nila ang kanilang mga paningin sa langit, at kanilang nakitang bumukas ang kalangitan, [i]3034[/i] at nakita nila ang mga anghel na bumababa mula sa langit na parang ito ay nasa gitna ng apoy; [i]1062[/i] at sila ay bumaba at pinalibutan yaong mga musmos, [i]3425[/i] at sila ay napalibutan ng apoy; at ang mga anghel ay naglingkod sa kanila. At ang maraming tao ay nakakita at nakarinig at nagpatotoo; at alam nila na ang kanilang patotoo ay totoo sapagkat lahat sila ay nakakita at nakarinig, bawat tao para sa kanyang sarili; at ang kanilang bilang ay may mga dalawang libo at limang daang katao; at sila ay binubuo ng mga kalalakihan, kababaihan, at bata. [i]1892[/i]