At ang Panginoon ay nagsabi sa kanya: [i]3407[/i]
Ibinibigay ko sa iyo ang kapangyarihan [i]2055[/i] [i]1878[/i] _na binyagan mo ang mga taong ito _kapag ako ay umakyat nang muli sa langit.
At muli ang Panginoon ay tumawag pa ng iba, at gayon din ang sinabi sa kanila; at binigyan niya sila ng kapangyarihan na magbinyag.
Ngayon, ang bilang ng mga yaong tinawag, at tumanggap ng kapangyarihan at karapatan na magbinyag, [i]1193[/i] ay labindalawa.
Masdan, si Nephi at ang kanyang kapatid na kanyang ibinangon mula sa patay, na ang pangalan ay Timoteo, at gayon din ang kanyang anak, na ang pangalan ay Jonas, at gayon din si Mathoni, at si Mathonihas, na kanyang kapatid, at si Kumen, at si Kumenonhi, at si Jeremias, at si Semnon, at si Jonas, at si Zedekias, at si Isaias—ngayon, ito ang mga pangalan ng mga disipulo na pinili ni Jesus