Ang Ministeryo ng Mesias

Ang Kapangyarihan para Magbinyag

3 Nephi 11:18

Tinawag ni Jesus si Nephi at hiniling sa kanya na lumapit.

At ito ay nangyari na, na siya ay nangusap kay Nephi (sapagkat si Nephi ay nasa maraming tao) at kanya siyang inutusan na nararapat siyang lumapit.

3 Nephi 11:19–20

Si Nephi ay lumapit, hinalikan ang mga paa ni Jesus, at tumayo.

At si Nephi ay tumayo at lumapit, at iniyukod ang kanyang sarili sa harapan ng Panginoon at hinagkan ang kanyang mga paa. At ang Panginoon ay nag-utos sa kanya na tumayo siya. At siya ay tumayo at tumindig sa harapan niya.

3 Nephi 11:21–22, 12:1, 19:4

Si Jesus ay pumili ng labing dalawang disipulo, kabilang si Nephi, at nagbigay sa kanila ng awtoridad na magbinyag.

At ang Panginoon ay nagsabi sa kanya:

Ibinibigay ko sa iyo ang kapangyarihan na binyagan mo ang mga taong ito kapag ako ay umakyat nang muli sa langit.

At muli ang Panginoon ay tumawag pa ng iba, at gayon din ang sinabi sa kanila; at binigyan niya sila ng kapangyarihan na magbinyag.


Ngayon, ang bilang ng mga yaong tinawag, at tumanggap ng kapangyarihan at karapatan na magbinyag, ay labindalawa.


Masdan, si Nephi at ang kanyang kapatid na kanyang ibinangon mula sa patay, na ang pangalan ay Timoteo, at gayon din ang kanyang anak, na ang pangalan ay Jonas, at gayon din si Mathoni, at si Mathonihas, na kanyang kapatid, at si Kumen, at si Kumenonhi, at si Jeremias, at si Semnon, at si Jonas, at si Zedekias, at si Isaias—ngayon, ito ang mga pangalan ng mga disipulo na pinili ni Jesus

3 Nephi 11:22–41

Si Jesus ay nagbigay ng detalyadong tagubilin kung paano magbibinyag, pagkatapos ay binanghay niya ang mga pangunahing doktrina ng pananampalataya, pagsisisi, at pagkikiisa sa Diyos.

At kanyang sinabi sa kanila: