Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, na ito ang aking doktrina, at ako ay nagbibigay-patotoo nito mula sa Ama; at sinuman ang naniniwala sa akin ay naniniwala rin sa Ama; at sa kanya ang Ama ay magpapatotoo ng tungkol sa akin, sapagkat kanya siyang dadalawin ng apoy at ng Espiritu Santo. At sa gayon magpapatotoo ng tungkol sa akin ang Ama, at ang Espiritu Santo ang magpapatotoo sa kanya ng tungkol sa Ama at sa akin; sapagkat ang Ama, at ako, at ang Espiritu Santo ay isa.