At sa ganitong paraan kayo magbibinyag sa aking pangalan; sapagkat masdan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang Ama, at ang Anak, at ang Espiritu Santo ay isa; at ako ay nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin, at ang Ama at ako ay isa. At alinsunod sa iniutos ko sa inyo sa gayon kayo magbibinyag. At hindi dapat magkaroon ng mga pagtatalu-talo sa inyo, na kagaya noon; ni huwag kayong magkakaroon ng mga pagtatalo sa inyo hinggil sa mga paksa ng aking doktrina, na kagaya noon.