3 Nephi 18:8–9

At ito ay nangyari na, nang sabihin niya ang mga salitang ito, inutusan niya ang kanyang mga disipulo na kanilang kunin ang alak sa saro at inumin ito, [i]3428[/i] at kanila ring nararapat bigyan ang maraming tao upang sila rin ay makainom nito. At ito ay nangyari na, na ginawa nila ang gayon, at sila ay uminom nito at nabusog; at kanilang ibinigay sa maraming tao, at sila ay uminom, at sila ay nabusog. [i]1896[/i]

From section: Ang Pagpapakilala sa Banal na Komunyon

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary