At ito ay nangyari na, na inutusan ni Jesus ang kanyang mga disipulo na sila ay magdala ng ilang tinapay at alak sa kanya. At habang sila ay wala upang kumuha ng tinapay at alak, inutusan niya ang maraming tao na sila ay magsiupo sa lupa. At nang dumating ang mga disipulo na may dalang tinapay at alak, kinuha niya ang tinapay at pinagputul-putol at binasbasan ito; at kanyang ibinigay sa mga disipulo at iniutos na sila ay kumain. At nang sila ay nakakain at nabusog, kanyang iniutos na kanilang nararapat bigyan ang maraming tao.
At nang ang maraming tao ay nakakain at nabusog, kanyang sinabi sa mga disipulo:
Masdan, magkakaroon ng isang oordenan sa inyo, at sa kanya ibibigay ko ang kapangyarihang pagputul-putulin ang tinapay at basbasan ito at ibigay ito sa mga tao ng aking simbahan, sa lahat ng yaong maniniwala at magpapabinyag sa aking pangalan.
At ito ay lagi ninyong gagawin, maging katulad ng aking ginawa, maging katulad ng pagputul-putol ko ng tinapay at binasbasan ito at ibinigay ito sa inyo. At ito ay gagawin ninyo sa pag-alaala sa aking katawan, na ipinakita ko sa inyo.
At ito ay magiging patotoo sa Ama na lagi ninyo akong naaalaala. At kung lagi ninyo akong aalalahanin ang aking Espiritu ay mapapasainyo.
At ito ay nangyari na, nang sabihin niya ang mga salitang ito, inutusan niya ang kanyang mga disipulo na kanilang kunin ang alak sa saro at inumin ito, at kanila ring nararapat bigyan ang maraming tao upang sila rin ay makainom nito. At ito ay nangyari na, na ginawa nila ang gayon, at sila ay uminom nito at nabusog; at kanilang ibinigay sa maraming tao, at sila ay uminom, at sila ay nabusog.
At nang magawa na ito ng mga disipulo, sinabi ni Jesus sa kanila:
At ito ay nangyari na, nang sabihin ni Jesus ang mga salitang ito sa kanyang mga disipulo, muli siyang humarap sa maraming tao at sinabi sa kanila:
At ngayon, ito ay nangyari na, nang sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, muli siyang tumingin sa mga disipulo na kanyang pinili, at sinabi sa kanila: