Sapagkat sinuman ang kumain at uminom ng aking laman at dugo nang hindi karapat-dapat ay kumakain at umiinom ng kapahamakan sa kanyang kaluluwa; anupa’t kung nalalaman ninyo na ang isang tao ay hindi karapat-dapat kumain at uminom ng aking laman at dugo, pagbawalan ninyo siya. Gayunpaman, huwag ninyo siyang itataboy palabas mula sa inyo, kundi inyong paglilingkuran siya at mananalangin para sa kanya sa Ama, sa aking pangalan; at kung mangyayari na siya ay magsisi at mabinyagan sa aking pangalan, sa gayon siya ay tatanggapin ninyo, at ihahain sa kanya ang aking laman at dugo.