[3 Nephi 18:26–35] Tanggapin ang nagsisisi

Ngunit kung hindi siya magsisisi siya ay hindi mabibilang sa aking mga tao, upang hindi niya malipol ang aking mga tao, sapagkat masdan, kilala ko ang aking mga tupa, at sila ay bilang. Gayunpaman, huwag ninyo siyang itataboy palabas ng inyong mga sinagoga, o sa inyong mga pook ng sambahan, sapagkat sa mga yaon kayo ay patuloy na maglilingkod; sapagkat hindi ninyo alam kung sila ay magbabalik at magsisisi, at lalapit sa akin nang may buong layunin ng puso, at pagagalingin ko sila; at kayo ang magiging daan ng pagdadala ng kaligtasan sa kanila. Samakatwid, sundin ang mga salitang ito na iniutos ko sa inyo upang kayo ay huwag mapasailalim sa sumpa; sapagkat sa aba niya na susumpain ng Ama.

From section: Ang Pagpapakilala sa Banal na Komunyon

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary