At ito ay nangyari na, nang matapos na si Jesus sa mga pananalitang ito, hinawakan niya ng kanyang kamay ang mga disipulo na kanyang pinili, isa-isa, maging hanggang sa mahawakan niya silang lahat, at nagsalita sa kanila habang kanyang hawak sila. [i]3432[/i] At hindi narinig ng maraming tao ang mga salitang kanyang winika, kaya nga, hindi sila nakapagpatotoo; ngunit ang mga disipulo ay nagpatotoo na kanyang ibinigay sa kanila ang kapangyarihan na magkaloob ng Espiritu Santo. [i]3036[/i] At ipakikita ko sa inyo pagkaraan nito na ang patotoong ito ay totoo.