Masdan, ngayon ito ay nangyari na, nang sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, muli niyang nilibot ng tingin ang maraming tao [i]3418[/i] at kanyang sinabi sa kanila:
Masdan, ang oras ko ay nalalapit na. Nahihiwatigan ko na kayo ay mahihina, na hindi ninyo nauunawaan ang lahat ng salitang inuutos sa akin ng Ama na sabihin sa inyo sa panahong ito. Kaya nga, magsiuwi kayo sa inyong mga tahanan, at bulay-bulayin ang mga bagay na aking sinabi, [i]1881[/i] at tanungin ang Ama, sa aking pangalan, upang kayo’y makaunawa, at ihanda ang inyong mga isip para sa kinabukasan, at ako ay paparitong muli sa inyo. Ngunit ngayon, ako ay paroroon sa Ama, at ipakikita rin ang aking sarili sa nawawalang lipi ni Israel, sapagkat sila ay hindi nawawala sa Ama, sapagkat alam niya kung saan niya dinala sila.