[3 Nephi 15:11–16:20] Natupad ang mga salita ni Isaias

Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, ganoon ako inutusan ng Ama—na dapat kong ibigay sa mga taong ito ang lupaing ito bilang kanilang mana. At pagkatapos, ang mga salita ng propetang si Isaias ay matutupad, sinasabing:

Ang inyong mga tagabantay ay magtataas ng tinig; sa pamamagitan ng magkakasamang tinig sila ay aawit, sapagkat kanilang makikita nang mata sa mata kung kailan ibabalik na muli ng Panginoon ang Sion.

Magpakagalak, magsiawit nang magkakasama, kayong mga nawasak na dako ng Jerusalem; sapagkat inaliw ng Panginoon ang kanyang mga tao, tinubos niya ang Jerusalem.

Ipinakita ng Panginoon ang kanyang banal na bisig sa paningin ng lahat ng bansa; at lahat ng dulo ng mundo ay makakikita sa pagliligtas ng Diyos.

From section: Mga Aral ni Hesus

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary