[3 Nephi 15:11–16:20] Pagtanggi ng mga Huling Araw na mga Gentil sa kabuuan

At sa gayon iniutos ng Ama na sabihin ko sa inyo:

Sa araw na yaon na ang mga Gentil ay magkasala laban sa aking ebanghelyo, at tatanggihan ang kabuuan ng aking ebanghelyo, at iaangat sa kapalaluan ang kanilang mga puso nang higit pa sa lahat ng bansa, at higit pa sa lahat ng tao sa buong mundo, at mapupuspos ng lahat ng uri ng kasinungalingan, at mga panlilinlang, at kalokohan, at lahat ng uri ng pagkukunwari, at mga pagpaslang, at huwad na pagkasaserdote, at pagpapatutot, at lihim na karumal-dumal na gawain, at kung kanilang gagawin ang lahat ng bagay na yaon, at tatanggihan ang kabuuan ng aking ebanghelyo, masdan, wika ng Ama, dadalhin ko ang kabuuan ng aking ebanghelyo magmula sa kanila.

At kung magkagayon, aalalahanin ko ang aking tipan na aking ginawa sa aking mga tao, O sambahayan ni Israel, at aking dadalhin ang aking ebanghelyo sa kanila. At ipakikita ko sa inyo, O sambahayan ni Israel, na ang mga Gentil ay hindi magkakaroon ng kapangyarihan sa inyo; kundi aking aalalahanin ang aking tipan sa inyo, O sambahayan ni Israel, at kayo’y magkakaroon ng kaalaman ng kabuuan ng aking ebanghelyo.

Ngunit kung ang mga Gentil ay magsisisi at magbabalik sa akin, wika ng Ama, masdan, sila ay mapapabilang sa aking mga tao, O sambahayan ni Israel. At hindi ko pahihintulutan ang aking mga tao, na kabilang sa sambahayan ni Israel, na makasalamuha nila at yurakan sila, wika ng Ama.

Datapwat kung hindi sila magbabalik sa akin, at makikinig sa aking tinig, pahihintulutan ko sila, oo, pahihintulutan ko ang aking mga tao, O sambahayan ni Israel, na makasalamuha nila, at yuyurakan sila, at sila’y magiging mistulang asin na nawalan ng lasa, na kung magkagayon ay wala nang kabuluhan kundi ang itapon at yapakan sa ilalim ng paa ng aking mga tao, O sambahayan ni Israel.

From section: Mga Aral ni Hesus

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary