[3 Nephi 15:11–16:20] Ang kaganapan ng ebanghelyo sa mga Hentil sa huling mga araw

At pagpapalain ang mga Gentil, dahil sa kanilang paniniwala sa akin, at sa Espiritu Santo, na siyang nagpapatotoo sa kanila tungkol sa akin at sa Ama. Masdan, dahil sa kanilang paniniwala sa akin, wika ng Ama, at dahil sa inyong kawalang-paniniwala, O sambahayan ni Israel, sa huling araw ay ipahahayag ang katotohanan sa mga Gentil, upang ang kaganapan ng mga bagay na ito ay maipaalam sa kanila.

Ngunit sa aba nila, wika ng Ama, sa kawalang-paniniwala ng mga Gentil—sapagkat sa kabila nang sila ay naparito sa ibabaw ng lupaing ito, at naikalat ang aking mga tao na kabilang sa sambahayan ni Israel; at ang aking mga tao na kabilang sa sambahayan ni Israel ay itinaboy mula sa kanila at niyurakan sa ilalim ng mga paa nila.

At dahil sa awa ng Ama sa mga Gentil, at gayon din sa mga kahatulan ng Ama sa aking mga tao na kabilang sa sambahayan ni Israel, katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, na pagkatapos ng lahat ng ito, at pinapangyari ko na ang aking mga tao, na kabilang sa sambahayan ni Israel na bagabagin, at pahirapan, at patayin, at itaboy mula sa kanila, at kanilang kapootan, at naging bulung-bulungan at bukambibig sa kanila—

From section: Mga Aral ni Hesus

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary