[3 Nephi 15:11–16:20] Itala ang rekord

At ipinag-uutos ko sa inyo na isulat ninyo ang mga salitang ito kapag ako ay wala na, nang kung magkagayon na ang mga tao ko sa Jerusalem, silang nakakita na sa akin at nakapiling ko sa aking ministeryo, ay hindi humihiling sa Ama sa aking pangalan, na sila ay magkaroon ng kaalaman tungkol sa inyo, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at tungkol din sa iba pang mga liping hindi nila kilala, na ang mga salitang ito na inyong isusulat ay iingatan at ipaaalam sa mga Gentil upang sa pamamagitan ng kaganapan ng mga Gentil, ang labi sa kanilang mga binhi, na kakalat kung saan-saang dako sa balat ng lupa dahil sa kawalan nila ng paniniwala, ay mapasanib o madala sa kaalaman tungkol sa akin, na kanilang Manunubos. At pagkatapos sila ay titipunin ko mula sa apat na sulok ng mundo; at pagkatapos ay tutuparin ko ang ipinakipagtipan ng Ama sa lahat ng tao sa sambahayan ni Israel.

From section: Mga Aral ni Hesus

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary