At katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo na ako ay may iba pang tupa na hindi sa lupaing ito, ni sa lupain ng Jerusalem, ni saan mang mga dako ng lupain sa pali-paligid na akin nang napaglingkuran. Sapagkat sila na aking tinutukoy ay silang mga hindi pa nakaririnig sa aking tinig; ni hindi ko kailan pa man naipakita ang aking sarili sa kanila. Ngunit nakatanggap ako ng utos mula sa Ama na ako ay magtungo sa kanila, at pakikinggan nila ang aking tinig, at mapabibilang sila sa aking mga tupa, upang magkaroon ng isang kawan at isang pastol; kaya nga, ako ay paroroon upang ipakita ang aking sarili sa kanila.