[3 Nephi 15:11–16:20] Pagkakamali ng pagkaunawa

At hindi nila ako naunawaan, sapagkat inakala nila na iyon ay ang mga Gentil; sapagkat hindi nila naunawaan na ang mga Gentil ay magbabalik-loob sa pamamagitan ng kanilang pangangaral. At hindi nila ako naunawaan nang sinabi ko na kanilang maririnig ang aking tinig; at hindi nila ako naunawaan na ang mga Gentil ay hindi kailanman makaririnig ng aking tinig—na ako ay hindi magpapakilala ng aking sarili sa kanila maliban kung ito ay sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ngunit masdan, inyong narinig kapwa ang aking tinig at nakita ako; at kayo ay aking mga tupa, at kayo ay kabilang sa mga yaong ibinigay sa akin ng Ama.

From section: Mga Aral ni Hesus

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary