Ngunit katotohanan, sinasabi ko sa inyo na ang Ama ang nag-utos sa akin, at sinasabi ko ito sa inyo, na kayo ay nahiwalay sa kanila dahil sa kanilang kasamaan; anupa’t dahil sa kanilang kasamaan kung kaya’t wala silang nalalaman tungkol sa inyo. At katotohanan, sinasabi ko sa inyong muli na ang iba pang mga lipi ay inihiwalay ng Ama sa kanila; at dahil sa kanilang kasamaan kung kaya’t hindi nila nalalaman ang tungkol sa kanila. At katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo yaong aking sinabi:
Mayroon akong ibang mga tupa na hindi sa kawang ito; sila ay dapat ko ring dalhin, at kanilang diringgin ang aking tinig; at magkakaroon ng isang kawan, at isang pastol.