Ito lamang ang iniutos ng Ama sa akin na nararapat kong sabihin sa kanila na mayroon akong ibang mga tupa na hindi sa kawang ito; sila ay dapat ko ring dalhin, at kanilang diringgin ang aking tinig; at magkakaroon ng isang kawan, at isang pastol. [i]1194[/i] At ngayon, dahil sa katigasan ng leeg at kawalang-paniniwala ay hindi nila naunawaan ang aking salita; kaya nga ako ay inutusan ng Ama na huwag nang magsalita pa hinggil sa bagay na ito sa kanila.