3 Nephi 11:5–7

At muli, sa ikatlong pagkakataon narinig nila ang tinig, at binuksan ang kanilang mga tainga upang marinig ito; [i]3021[/i] at ang kanilang mga mata ay tumingin sa pinanggagalingan ng tunog niyon; at sila ay walang kurap na tumingin sa langit, kung saan ang tunog ay nanggagaling. At masdan, sa ikatlong pagkakataon ay naunawaan nila ang tinig na kanilang narinig; [i]1871[/i] at sinabi nito sa kanila:

Masdan, ang Minamahal kong Anak, na siya kong labis na kinalulugdan, sa kanya ay niluwalhati ko ang aking pangalan—pakinggan ninyo siya.

From section: Ang Pagdating ni Hesus

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary