Ang Ministeryo ng Mesias

Ang Tinig ni Kristo

3 Nephi 9:1–22

Isang tinig ang narinig sa buong lupain; ang tinig ay ipinakikilala ang kanyang sarili bilang si Jesukristo, at inihayag na ang pagkawasak ng lupain ay sanhi ng kanilang kasamaan, ipinaliwanag na ang batas ni Moises ay naisakatuparan na, at inanyayahan ang lahat na lumapit sa kanya.

At ito ay nangyari na, na may tinig na narinig sa lahat ng naninirahan sa lupain, sa ibabaw ng buong lupaing ito,

3 Nephi 10:1–2

Matapos marinig ang salita, maraming oras ang lumipas sa katahimikan.

At ngayon masdan, ito ay nangyari na, na narinig ng lahat ng tao ng lupain ang mga salitang ito, at sumasaksi rito. At matapos ang mga salitang ito ay nagkaroon ng katahimikan sa lupain sa loob ng maraming oras; Sapagkat labis-labis ang panggigilalas ng mga tao, kung kaya’t nagsitigil sila sa pananaghoy at paghagulgol dahil sa pagkawala ng kanilang mga kaanak na napatay; anupa’t nagkaroon ng katahimikan sa buong lupain sa loob ng maraming oras.

3 Nephi 10:3–7

Ang tinig ni Cristo ay narinig muli, at nalulungkot sa katotohanan na ang Israel ay hindi matitipon sa kanya.

At ito ay nangyari na, na may tinig na nangusap na muli sa mga tao, at narinig ng lahat ng tao, at sumasaksi rito, sinasabing:

3 Nephi 10:8

Ang mga tao ay tumangis at nagdalamhati para sa kanilang mga namatay.

At ngayon ito ay nangyari na, na matapos marinig ng mga tao ang mga salitang ito, masdan, sila ay nagsimulang muling magsipanangis at magsipaghagulgol dahil sa pagkawala ng kanilang kaanak at mga kaibigan.

3 Nephi 10:9

Pagkatapos ng tatlong araw na kadiliman, ang liwanag ay nakitang muli, at ang kakila-kilabot na pagkawasak ay tumigil.

At ito ay nangyari na, na sa gayon lumipas ang tatlong araw. At ito ay sa umaga, at ang kadiliman ay naglaho mula sa ibabaw ng lupain, at ang lupa ay tumigil sa pagyanig, at ang mga bato ay tumigil sa paghahati-hati, at ang mga kakila-kilabot na paghihinagpis ay tumigil, at ang lahat ng malakas na ingay ay lumipas.

3 Nephi 10:10

Ang pagdadalamhati ng mga tao ay naging kaligayahan nang sila'y magsimulang sumamba kay Jesus.

At ang lupa ay muling nagsama, kung kaya’t nanatili ito; at ang pagdadalamhati, at ang pananangis, at ang paghagulgol ng mga taong naligtas na mabuhay ay nagsitigil; at ang kanilang pagdadalamhati ay naging kagalakan, at ang kanilang mga pananaghoy ay naging pagbibigay-puri at pasasalamat sa Panginoong Jesucristo, na kanilang Manunubos.

3 Nephi 10:11–13

Sila na mga hindi nasawi ay ang mas mabubuting bahagi ng mga tao.

At sa gayon natupad ang mga banal na kasulatan na winika ng mga propeta. At ang higit na mabubuting bahagi ng mga tao ang naligtas, at sila itong mga tumanggap sa mga propeta at hindi sila pinagbabato; at sila itong mga hindi pinadanak ang dugo ng mga banal, na mga naligtas— At sila ay naligtas at hindi nahulog at nalibing sa lupa; at hindi sila nalunod sa kailaliman ng dagat; at hindi sila nasunog ng apoy, ni hindi sila nabagsakan at nadurog sa kamatayan; at hindi sila natangay ng buhawi; ni hindi sila nadaig ng abu-abo ng usok at ng kadiliman.