Masdan, ako si Jesucristo, ang Anak ng Diyos. Nilikha ko ang kalangitan at ang lupa, [i]1191[/i] at lahat ng bagay na nasa mga ito. Kasama ko ang Ama mula pa sa simula. Ako ay nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin; at sa pamamagitan ko ay dinakila ng Ama ang kanyang pangalan. Pumaroon ako sa sariling akin at hindi ako tinanggap ng sariling akin. [i]3012[/i] At ang mga banal na kasulatan hinggil sa aking pagparito ay natupad na.