Oo, katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung lalapit kayo sa akin ay magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Masdan, ang aking bisig ng awa ay nakaunat sa inyo, at kung sinuman ang lalapit, siya ay tatanggapin ko; at pinagpala ang mga yaong lumalapit sa akin.