[3 Nephi 9:1–22] Sinunog si Jacobugath

At masdan, ang dakilang lunsod ng Jacobugat, na tinitirahan ng mga tao ni haring Jacob, ay pinapangyari kong masunog ng apoy dahil sa kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan, na nakahihigit sa lahat ng kasamaan ng buong sangkatauhan, dahil sa kanilang mga lihim na pagpaslang at pakikipagsabwatan; sapagkat sila itong nagwasak sa kapayapaan ng aking mga tao at sa pamahalaan ng lupain; kaya nga pinapangyari kong masunog sila, upang lipulin sila mula sa aking harapan, upang ang dugo ng mga propeta at ng mga banal ay hindi na sasaksi sa akin laban sa kanila.

From section: Ang Tinig ni Kristo

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary