[3 Nephi 9:1–22] Nag-aalok ng pusong sugatan

At mag-aalay kayo bilang pinaka-hain sa akin ng isang bagbag na puso at nagsisising espiritu. [i]3015[/i] At sinuman ang lalapit sa akin nang may bagbag na puso at nagsisising espiritu, siya ay bibinyagan ko ng apoy at ng Espiritu Santo, maging tulad ng mga Lamanita, dahil sa kanilang pananampalataya sa akin sa panahon ng kanilang pagbabalik-loob, ay nabinyagan ng apoy at ng Espiritu Santo, at hindi nila nalalaman ito. Masdan, pumarito ako sa daigdig upang bigyang-kaganapan ang pagtubos sa sanlibutan, upang iligtas ang sanlibutan mula sa kasalanan.

From section: Ang Tinig ni Kristo

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary