At ito ay nangyari na, na samantalang ang mga disipulo ni Jesus ay naglalakbay at ipinangangaral ang mga bagay na kapwa nila nakita at narinig, at nagbibinyag sa pangalan ni Jesus, ito ay nangyari na, na ang mga disipulo ay magkakasamang nagtipon at nagkaisa sa mataimtim na panalangin at pag-aayuno.
At muling ipinakita ni Jesus ang kanyang sarili sa kanila, sapagkat sila ay nananalangin sa Ama sa kanyang pangalan; at si Jesus ay dumating at tumayo sa gitna nila, at sinabi sa kanila:
Ano ang nais ninyong ibigay ko sa inyo?
At kanilang sinabi sa kanya:
Panginoon, nais naming sabihin ninyo sa amin
ang pangalan kung paano namin tatawagin ang simbahang ito;
sapagkat may mga pagtatalo sa mga tao
hinggil sa bagay na ito.
At sinabi ng Panginoon sa kanila:
At ito ay nangyari na, nang matapos si Jesus sa mga salitang ito ay sinabi niya sa kanyang mga disipulo:
Pumasok kayo sa makipot na pasukan; sapagkat makipot ang pasukan, at makitid ang daan patungo sa buhay, at kakaunti ang makasusumpong nito; ngunit malapad ang pasukan, at malawak ang daan patungo sa kamatayan, at marami ang naglalakbay roon, hanggang sa sumapit ang gabi, kung saan ay walang taong makagagawa pa.
At ito ay nangyari na, nang sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, siya ay nangusap sa kanyang mga disipulo, isa-isa, sinasabi sa kanila:
Ano ba ang inyong hihilingin sa akin,
matapos na ako ay pumaroon sa Ama?
At silang lahat ay nangusap, maliban sa tatlo, sinasabing:
Hinihiling namin na pagkatapos naming mabuhay hanggang sa gulang ng tao, na ang aming ministeryo, kung saan kami ay tinawag ninyo, ay magkaroon ng wakas, na kami ay mabilis na magtungo sa inyo sa inyong kaharian.
At kanyang sinabi sa kanila:
Pinagpala kayo dahil sa hiniling ninyo ang bagay na ito sa akin;
kaya nga, matapos na kayo ay maging pitumpu at dalawang taong gulang
kayo ay paroroon sa akin sa aking kaharian;
at sa akin matatagpuan ninyo ang kapahingahan.
At nang siya ay makapangusap na sa kanila, ibinaling niya ang kanyang sarili sa tatlo, at sinabi sa kanila:
Ano ang nais ninyong gawin ko para sa inyo,
kapag ako ay pumaroon na sa Ama?
At sila ay nalungkot sa kanilang mga puso, sapagkat hindi nila masabi sa kanya ang bagay na kanilang ninanais.
At kanyang sinabi sa kanila:
At ito ay nangyari na, nang matapos bigkasin ni Jesus ang mga salitang ito, hinipo niya ng kanyang daliri ang bawat isa sa kanila maliban sa tatlong mananatili, at pagkatapos siya ay lumisan.