Ngunit kung hindi ito nakatayo sa aking ebanghelyo, at nakatayo sa mga gawa ng tao, o sa mga gawa ng diyablo, katotohanang sinasabi ko sa inyo na mayroon silang kagalakan sa kanilang mga gawa nang kaunting panahon, at maya-maya ang wakas ay darating, at sila ay puputulin at ihahagis sa apoy, kung saan ay walang makababalik. Sapagkat ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila, sapagkat dahil sa kanilang mga gawa kung kaya sila ay pinuputol; kaya nga, tandaan ang mga bagay na sinabi ko sa inyo.