Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo ay nakatayo sa aking ebanghelyo; kaya nga, inyong tatawagin ang mga anumang bagay na inyong tatawagin, sa aking pangalan; kaya nga, kapag kayo ay nananawagan sa Ama, para sa simbahan, kung ito ay sa aking pangalan, diringgin kayo ng Ama; At kung mangyayari na ang simbahan ay nakatayo sa aking ebanghelyo at saka lamang ipakikita ng Ama ang kanyang sariling mga gawain dito.