[3 Nephi 27:4–32] Ebangelio ni Kristo

Masdan, naibigay ko na sa inyo ang aking ebanghelyo, [i]3452[/i] at ito ang ebanghelyo na aking ibinigay sa inyo—na ako ay pumarito sa daigdig upang gawin ang kalooban ng aking Ama, sapagkat isinugo ako ng aking Ama. At isinugo ako ng aking Ama upang ako ay ipako sa krus; at matapos na ako ay maipako sa krus, [i]3002[/i] upang mahikayat ko ang lahat ng tao na lumapit sa akin, [i]1922[/i] at katulad ng pagtataas sa akin ng mga tao gayundin ang mga tao ay ibabangon ng aking Ama, upang tumayo sa harapan ko, upang hatulan sa kanilang mga gawa, kung ang mga yaon ay mabuti o kung ang mga yaon ay masama— At sa dahilang ito ako ay ipinako; kaya nga, alinsunod sa kapangyarihan ng Ama ay hihikayatin ko ang lahat ng tao sa akin, upang sila ay mahatulan alinsunod sa kanilang mga gawa.

From section: Ang Pribadong Pakikipagkita ni Hesus sa Kanyang mga Disipulo

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary