At ito ay mangyayari, na sinuman ang magsisisi at mabibinyagan sa aking pangalan ay mapupuspos; at kung siya ay magtitiis hanggang wakas, masdan, siya ay pawawalan ko ng sala sa harapan ng aking Ama sa araw na yaon kung kailan ako tatayo upang hatulan ang sanlibutan. [i]1923[/i] At siya na hindi magtitiis hanggang wakas, siya rin ang siyang mapuputol at ihahagis sa apoy, kung saan sila ay hindi na makababalik pa, dahil sa katarungan ng Ama.