[3 Nephi 27:4–32] Nilinis sa dugo ni Kristo

At ito ang salitang kanyang ibinigay sa mga anak ng tao. At sa ganitong dahilan kanyang tinutupad ang mga salitang kanyang ibinigay, at hindi siya nagsisinungaling, kundi tinutupad ang lahat ng kanyang mga salita. At walang maruming bagay ang makapapasok sa kanyang kaharian; anupa’t walang makapapasok sa kanyang kapahingahan maliban sa mga yaong nahugasan ang kanilang mga kasuotan ng aking dugo, dahil sa kanilang pananampalataya, at sa pagsisisi ng lahat ng kanilang mga kasalanan, at sa kanilang katapatan hanggang sa wakas. Ngayon, ito ang kautusan: Magsisi, lahat kayong nasa mga dulo ng mundo, at lumapit sa akin at magpabinyag sa aking pangalan, upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo, upang kayo ay makatayong walang bahid-dungis sa aking harapan sa huling araw.

From section: Ang Pribadong Pakikipagkita ni Hesus sa Kanyang mga Disipulo

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary